Kangkong
Hindi ko masuway ang utos ni Itay, na kumuha ng kangkong. Napakarami nito, kaya agad akong nakakuha ng isang tali . Habang nilalandas ko ang daan pauwi, nakita ko ang kagandahan ng kapaligiran, sa kagalakan hindi ko napansin ang sasakyan. Tumilapon ako. Bigla kong nadama ang bigat ng gulong sa aking katawan kasabay ng hagulgul na tila may ibinubulong sakin, pero ramdam ko ang mainit-init na gapatak na tubig sa naninimutla kong pisngi. Batid kong si Itay iyon. Sumagi sa aking isipan paano ko maibibigay kay Itay ang paborito nyang kangkong kung sa sandaling ito ay nawawalan nako ng ulirat sa mundo.
Comments
Post a Comment