Hi


Dito tayo nag simula,
Dito tayo nagka kilala,
Dito tayo nagka mabutihan,
Dito tayo nagka puyatan,

Dito nag umpisa ang lahat,
Sa simpleng "Hi" tayo'y nag kaibigan,
Hi na nagdala sa alapaap,
Kasiyahang akala ko'y walang katapusan.

Katapusan na nag-aantay
Nag aantay sa ating wakas,
Wakas na nag iiwan ng lamat
Lamat ng pagkasawi.

Iniwan moko sa ere,
Simpleng Hi mo sa iba
Doon tayo nasira.

Sana noon paman
Dina pinansin pa
Mensahe mong Hi,
Na mauuwi lang pala sa bye.

Comments

Popular posts from this blog

Bionote

Mahal na Mahal kita

Kangkong