Mahal na Mahal kita
Diko masukat ang saya ng binalikan mo ako mahal. Walang araw na hindi masaya ang puso ko, maniwala ka, lalo na kapag lagi mong sinasabing Mahal kita, mahal. Walang mapagsidlan ang bugso ng damdamin ko sa saya tuwing hinahalikan ko ang makinis mong pisngi, kasabay sa pagbulong na "Mahal na mahal din kita". Hindi ko na muli hahayaang mag-hiwalay tayong dalawa at magkamalabuan. Asahan mong hindi kita iiwan. Iintindihin kita at aalagaan magpakailanman. Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba? Pinatawad kita kahit na pinagpalit mo ako sa ibang lalaki. Ang mahalaga naman ay ang pagmamahal natin sa isa't-isa diba? At kahit na gaano pa kasakit ang kasalanan mo, handa pa rin kitang tanggapin. Pagpapatawad naman kase ang tunay na pagmamahal. Kaya't sana, sampo sa mga anghel na kasama kong nakayakap sa malamig at duguan mong katawan, patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo. Hindi ko alam kung paano ka magiging akin ulit . Ang mahalaga, akin kana habang-buhay.
Comments
Post a Comment