Paano mo nagawa?



Paanong text na mula sayo,
Binubuo ang araw ko
Paanong joke mong corny,
Pinatatawa ako ng matindi.

Paanong simpleng salita mula sayo,
Pinakikilig ako.
Paanong matatamis mong ngiti,
Ay pinakakabog ang dibdib ko.

Paanong ang maliit na bagay,
Pinaiikot ang mundo ko.
Paanong ang malamig mong tinig,
Ay nagiging musika saaking pandinig.

Paanong ang taong tulad mo,
ay kayang haplosin ang sakit
na naranasan ng puso ko
Ito ba ay laging ganun talaga?

O ito'y ganito ng dahil sayo?
Sa tingin ko nga'y ganun,
Lahat ng ito ay wala lang
Kung hindi dahil sayo.



Comments

Popular posts from this blog

Bionote

Mahal na Mahal kita

Kangkong