Champurado
Binalaan na siya ng Isang Studyante.
Pagpasok niya ng klasrum ay sumalubong sa kanya ang napakasangsang na amoy. Pinigilan niya ang kanyang palad na noo’y ibig niyang itakip sa kanyang ilong. Sabihin pa ng mga bata’y kay arte-arte niya.
Pawis na pawis ang mahigit labing siyam na Port year high school student na kaharap niya. Ang iba’y Nagpabango upang pansamantalang mawala ang mabahong amoy na lumalaganap sa kanilang klasrum.
Hindi siya makakapagklase nang matino ‘pag ganito ang sitwasyon.
“Okay, class,” pahayag niya, “palalabasin ko muna kayo sa loob ng dalawampung minuto. Manatili lang kayo d’yan sa garden. ‘Yong kailangang magbanyo, magbanyo na.”
Sa tingin niya, iyon ang pinakamainam na gawin.
Isa-isang nagsilabasan ang mga bata. Noo’y natanaw niya ang isang babaeng nagpapahuli sa mga lumalabas. ‘Yong mahiyain. ‘Yong ‘di pa ‘ata n’ya naririnig ang boses. Si Angel, mukhang nangingitim nang bahagya ang likuran ng palda nito. Parang basa.
Sa labas ay nanatili at nag-umpukan ang mga bata sa lilim ng mga puno. Si Angel, nakahiwalay mula sa mga kaklase nito. Naisipan niyang maglakad papunta sa dalaga upang kausapin ito. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay tila naunawaan nitong alam na niya.
Walang anu-ano’y nagtatakbo ito palayo, at umiyak ng iyak.
Comments
Post a Comment