Posts

Bionote

Image
Si Melanie Garcia Canonizado ay isinilang noong Enero 06 taong 2001. Kasalukuyang namumuhay ng mapayapa sa Brgy. Mayang La Paz Tarlac, kasama ang kanyang mga magulang na sina Ariel Canonizado at Leovigilda Canonizado, maging ang kanyang mga kapatid, Argil, Melody, Carla at ang kanilang bunsong si Mariel. Kasama din ang lolo at Tita niya, Vicente Garcia at Justina Garcia. Maghilig  siyang gumuhit ng mga larawan tulad ng bulaklak. Lalong lalo na kung nakakita siya mg crayola at ng papel hindi niya maiwasan ang pagkuha dito at gumuhit. Hilig  din niyang ang manuod ng Barilan lalo na kung makatotohan ang kwento nito,tulad ng Probinsyano, lahat naman ata ay mahilig dito. Nais niyang maging isang Pulis, feeling kase niya ang astig ng propesyong ito at syempre naiinis kase siya sa mga masasamang tao, gusto niya  itong turuan ng leksyon. Syaka matagal na niyang pangarap ang pag pupulis nais niyang  makahawak ang baril. Maraming nagsasabi sakanya na bakit siya magp...

Champurado

Image
Binalaan na siya ng Isang Studyante. Pagpasok niya ng klasrum ay sumalubong sa kanya ang napakasangsang na amoy. Pinigilan niya ang kanyang palad na noo’y ibig niyang itakip sa kanyang ilong. Sabihin pa ng mga bata’y kay arte-arte niya. Pawis na pawis ang mahigit labing siyam na Port year high school student na kaharap niya. Ang iba’y Nagpabango upang pansamantalang mawala ang mabahong amoy na lumalaganap sa kanilang klasrum. Hindi siya makakapagklase nang matino ‘pag ganito ang sitwasyon. “Okay, class,” pahayag niya, “palalabasin ko muna kayo sa loob ng dalawampung minuto. Manatili lang kayo d’yan sa garden. ‘Yong kailangang magbanyo, magbanyo na.” Sa tingin niya, iyon ang pinakamainam na gawin. Isa-isang nagsilabasan ang mga bata. Noo’y natanaw niya ang isang babaeng nagpapahuli sa mga lumalabas. ‘Yong mahiyain. ‘Yong ‘di pa ‘ata n’ya naririnig ang boses. Si Angel, mukhang nangingitim nang bahagya ang likuran ng palda nito. Parang basa. Sa labas ay nanatili at nag-u...

Kaarawan

Image
Malayo ang tingin ni Nina, Isang taon na kase ang kanyang anak na si Kristel at Kaarawan nya . Mula ng iwan sya ng kanyang asawa, sunod-sunod na ang kamalasan nito. Wala man lang maihanda si Nina para sa kanyang anak, at dahil sa kahihiyan na wala man lang maihanda sa anak ay nagdasal na lamang sya, pumunta sya ng kusina upang tumingin ng maaaring maihanda na kahit ano lang, umiyak si Kristel mula sa papag ,kinuha ni Nina ang kutsilyo , tila may naisip na sya. Habang pinapatahan ang anak, kinantahan pa nya ito ng Maligayang kaarawan anak!  Maligayang kaarawan anak! Maligayang kaarawan anak! Habang hinihiwa ang murang laman ng Anak.

Mahal na Mahal kita

Image
Diko masukat ang saya ng binalikan mo ako mahal. Walang araw na hindi masaya ang puso ko, maniwala ka, lalo na kapag lagi mong sinasabing Mahal kita, mahal. Walang mapagsidlan ang bugso ng damdamin ko sa saya tuwing hinahalikan ko ang makinis mong pisngi, kasabay sa pagbulong na "Mahal na mahal din kita". Hindi ko na muli hahayaang mag-hiwalay tayong dalawa at magkamalabuan. Asahan mong hindi kita iiwan. Iintindihin kita at aalagaan magpakailanman. Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba? Pinatawad kita kahit na pinagpalit mo ako sa ibang lalaki. Ang mahalaga naman ay ang pagmamahal natin sa isa't-isa diba? At kahit na gaano pa kasakit ang kasalanan mo, handa pa rin kitang tanggapin. Pagpapatawad naman kase ang tunay na pagmamahal. Kaya't sana, sampo sa mga anghel na kasama kong nakayakap sa malamig at duguan mong katawan, patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo. Hindi ko alam kung paano ka magiging akin ulit . Ang mahalaga, akin kana habang-buhay.

Paano mo nagawa?

Image
Paanong text na mula sayo, Binubuo ang araw ko Paanong joke mong corny, Pinatatawa ako ng matindi. Paanong simpleng salita mula sayo, Pinakikilig ako. Paanong matatamis mong ngiti, Ay pinakakabog ang dibdib ko. Paanong ang maliit na bagay, Pinaiikot ang mundo ko. Paanong ang malamig mong tinig, Ay nagiging musika saaking pandinig. Paanong ang taong tulad mo, ay kayang haplosin ang sakit na naranasan ng puso ko Ito ba ay laging ganun talaga? O ito'y ganito ng dahil sayo? Sa tingin ko nga'y ganun, Lahat ng ito ay wala lang Kung hindi dahil sayo.

Hi

Image
Dito tayo nag simula, Dito tayo nagka kilala, Dito tayo nagka mabutihan, Dito tayo nagka puyatan, Dito nag umpisa ang lahat, Sa simpleng "Hi" tayo'y nag kaibigan, Hi na nagdala sa alapaap, Kasiyahang akala ko'y walang katapusan. Katapusan na nag-aantay Nag aantay sa ating wakas, Wakas na nag iiwan ng lamat Lamat ng pagkasawi. Iniwan moko sa ere, Simpleng Hi mo sa iba Doon tayo nasira. Sana noon paman Dina pinansin pa Mensahe mong Hi, Na mauuwi lang pala sa bye.

Kilig ngaba?

Image
Nakaka-kilig kung ika'y umibig, Sarap sa puso at dibdib, Mahal na tunay, kasintahan sa buhay, Lahat ialay. Masakit kaya kung Mahal ay nawala? Na parang bula? Gaya ng pagkaing matamis, masarap, pero matutunaw rin kahit dimo man nais. Sisiraan ka saka sisipsipan pa, Lakas at sigla, kaya mag-ingat, dapat laging mulat, Huwag lumingat!